Sen. Manny Pacquiao, May Mensahe Matapos Mapatalsik Bilang Presidente: "Bahala na sila"



Si Sen. Manny Pacquiao ay isang kilala at mahusay na manglalaro sa larangan ng boxing. Isa ring kasalalukuyang Senador si Pacquiao. Ngunit kamakailan lamang ay napabalitang napatalsik si Se. Pacquiao bilang Presidente ng PDP-Laban. Matapos namang mapatalsik ay naglabas ng pahayag si Sen. Pacquiao na ngayo'y abala na sa kanyang paghahanda para sa boxing match niya laban kay Errol Spence Jr.




Sa naging pahayag ni Sen. Pacquiao ay sinabi niyag siya ay nalulungkot dahil sa inuuna parin ng ilang miyembro ng partido ang pamumulitika imbis na asikasuhin na lamang umano nila ang kumakalat na v1rus sa bansang Pilipinas.

"Nakakalungkot na nakapasok na ang Delta variant sa Pilipinas at kapag hindi maagapan, marami ang maaaring mahawa. Ito dapat ang prioridad ng ating gobyerno," ani ni Sen. Pacquiao.





"Kung sa tingin nila Cusi at iba pa na mas importante ang politika sa ngayon, bahala na sila. Sa huli, isa lang naman ang tanong na dapat sagutin. Sino ba ang sasamahan ng taong bayan?" dagdag pa nito.

Matatandaan na nito lamang na Sabado, Hulyo 17 ay iniluklok bilang bagong Presidente ng PDP-Laban si Energy Secretary Alfonso Cusi na matinding karibal ni Sen. Pacquiao sa nasabing partido. Pinalitan din nila lahat ng opisyal sa PDP-Laban.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na chairman ng partido ang nanguna sa naging pagpupulong. Ayon kay Pangulong Duterte ay nagtataka umano siya kung bakit naging acting president ng partido si Sen. Pacquiao sa pamamagitan ni Sen. Koko Pimentel.




"I do not know what prompted him to just push Pacquiao there as the acting president. You cannot push someone as an acting president, you have to elect," ani ni Pres. Duterte.

Nag umpisa ang alitan sa naturang partido nang bigla na lamang naging kritikal si Pacquiao sa gobyerno. Bago umalis ng Pilipinas si Sen. Pacquiao ay nag-labas pa ito ng mga ebidensiya na nagpapatunay umano ng diumano’y korapsyƶn na nangyayari sa kasalukuyang administrasyon.

1 comment:

  1. loko loko talaga to si pakyaw. ngayong nasipa ka dahil sa katangahan mo yon namang virus dinadahian mo. bakit nong nagdadadakdak ka ng kung anu anong korapsyon inisip mo ba na may virus na mas dapat unang asikasuhin gago

    ReplyDelete