Sundalo na Kasama sa Nag-crash na C-130, May Senyales na Umanong May Hindi Magandang Mangyayari Ayon sa Asawa Nito!



Lubos na nakakalungkot ang nangyaring tråhedyå sa Patikul, Sulu nitong linggo, Hulyo 4. Marami ang nagtamo ng sugåt at pilåy at marami din ang mga sundalong binawian ng buhay nang mag-crash ang sinasakyan nilang aircraft na C-130. Nasa 52 ang bilang ng mga sundalong binawian ng buhay at kasama na rito si CPL Carol Dapanas Jr.




Nakausap pa umano niya ang misis nitong si Mabel bago mangyari ang tråhedya. Ayon sa kwento ni Mabel, bukambibig umano ng yumåong asawa ang mga katagang "mahal na mahal kita".

Ayon pa kay Mabel ay tila may senyales at pahiwatig na ang mga binibitawang mensahe sa kanya ng kanyang mister na may mangyayaring hindi maganda. "(Sabi niya) mag-ingat diyan sa bahay, mahal daw niya ako. Hindi niya raw ako kakalimutan at tsaka 'yong anak namin. Sign na talaga niya na parang may mangyari sa kanila. Hindi niya matiis na hindi niya ako ma-contact, ma-video call," kwento ni Mabel.





Habang magkausap sila sa videocall ay bigla na lamang umanong naputol ang linya ng kanyang mister kaya sinubukan niya muli itong tawagan ngunit hindi niya ito ma-contact.

Halos gumunaw ang mundo ni Mabel at laking gulat niya ng mabalaitaang nag-crash ang C-130 na sinasakyan ng kanyang asawa. Sa kasamaång palad ay hindi kasama ang kanyang asawa sa mga nakaligtas.




Ayon kay Mabel, marami pa sana umanong pangarap ang kanyang asawa para sa kanilang mag-ina, "Bago siya pumunta ng Sulu, sabi niya magpundar daw siya ng bahay at tsaka ng business sabi niya sa akin para sa kaniyang anak," pahayag ni Mabel.

Marami ang nakikiråmay sa mga naulilang pamilya ng mga sundalong binawian ng buhay. Ang ibang mga sundalong nakaligtas naman ay kasalukuyang mga nagpapagaling sa hospital.



No comments