Watch | Foreigner na Nanåkawan ng Pera at Kagamitan, Nangangailangan ng Tulong Para Makauwi sa Kanilang Bansa!



Kadalasan na pinapasyalan ang ating bansa ng mga banyaga dahil sa magagandang tanawin, masasarap na pagkain at mga masiyahing Pinoy. Ngunit nakakalungkot na isipin na hindi nawawala ang masasamang loob sa Pilipinas. Isa na lamang rito ang pagnanåkaw ng ilang pinoy sa mga banyaga na pumupunta rito sa ating bansa.




Hindi nakakaintindi ang karamihan sa mga banyaga ng salitang tagalog kaya madali silang nalolöko ng mga masasamang loob.

Isang video ng banyaga ang ibinahagi ng concerned netizen na si Gemma Basical nitong Hulyo 7 sa kanyang facebook account. Ayon sa post ni Gemma, mula pa sa Norway ang nakita niyang banyaga na mag-isa na nakaupo sa likod ng Robinson Malate.





Kwento ng banyaga, nawalan umano siya ng pera na nagkakahalaga ng Php80,000 at mga gamit. Hindi siya makauwi ng Norway dahil wala siyang sapat na pera para makabili ng ticket pabalik sa kanyang bansa.

Naisip ni Gemma na kuhanan siya ng video upang ibahagi sa social media at makita ng mga netizens na may mabubuti ang kalooban at handang tumulong sa banyaga. Wala rin umanong pera si Gemma kaya ito na lamang ang naisip niyang paraan upang makatulong.




Narito ang kabuuang post at video para sa mga nais mag-abot ng kanilang tulong:

"Pa help naman po dito kay sir nadaan ko sya dito sa may likud ng Robinson malate sabi nya na lost pera nya 80 thousand.and passport dito sa pinas gusto nya bumalik ng norway.kaso na lost lahat ng importanteng gamit nya...pa help naman po sa mga may puso..paki shared.naman po.god bless all..thank you."



No comments