Watch | Robin Padilla, Pinayuhan Umano ang Anak na si Kylie na Pag-Muslimin na Lang si Aljur!




Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o mas kilala bilang Robin Padilla ay isang aktor, screer writter, producer at direktor. Binansagan din siyang 'Bad Boy' ng Philippine Cinema dahil sa mga ginagampanan ng aktor tulad ng Anak ni Baby Ama, Bad Boy 1 at Bad Boy 2 at marami pang iba. Pinagbidahan din niyang ang mga sikat na palabas na Asian Treasures, Joaquin Bordado, Totoy Bato at Toda Max.




Nakapanayam naman ni Ogie Diaz ang aktor nitong Hulyo 10. May mga inihandang katanungan si Ogie para kay Robin at lakas-loob naman niya itong sinagot.

Kamakailan lamang ay naulat ang hiwalayan ng kanyang anak na si Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Tinanong ni Ogie kung ano ang maipapayo niya bilang siya ang ama ni Kylie sa naging hiwalayan ng dalawa,

"Pagdating sa marriage ano ba ma-a-advise ko? E, failure din kami ng mama niya. Ano’ng credibility ko? Sabi ko, 'Pag-Muslimin mo na lang si Aljur'," sagot ni Robin kay Ogie.





Dahil hindi umano naging matagumpay ang marriage nila ng ina Kylie ay pakiramdam ni Robin na hindi sya credible para magbigay ng payo. Kaya sinabihan na lamang niya ang kanyang anak na pag-Muslimin na lamang niya si Aljur.




Binanggit din ni Robin na ikinasal na ang kanyang anak at si Aljur noon kahit pa tutol siya rito. Sinabi pa ng aktor na kung sakaling magkabalikan si Kylie at Aljur ay sana'y huwag nang patagalin pa. Iniisip din ni Robin ang kapakanan ng pamilya ni Kylie lalo na ang dalawang anak nito.

Panoorin ang kabuuang video:



No comments