6-Anyos na Bata, Malusog Noon Ngunit Halos Butô't Balat na Ngayon!




Talaga namang nakakabigla ang kalagayan ng isang 6-anyos na batang babae mula sa Cebu. Kung dati ay malusog, mataba ang mukha at masiyahin si Ranelyn ay bigla na lamang umano itong nagbago. Naging halos butô't balat na si Ranelyn, lumubog na ang kanyang mga pisngi at bumagsak ng husto ang kanyang katawan. Dahil sa kalagayan niya ay naging mahiyain na rin si Ranelyn.




Madalas siyang hindi na lumalabas ng bahay dahil nahihiya siya at sobrang luwang na ng mga damit niya. Naibenta na rin umano nila ang cellphone, TV at lahat ng gamit na maaari nilang maibenta para lamang maipagåmot at gumaling si Ranelyn.

Tanging ag paboritong bestida na lamang ni Ranelyn ang natira dahil umaasa pa ito na maibabalik pa ang malusog na pangangatawan nito noon at muling babagay ang kanyang paboritong damit.





Ang istorya ni Ranelyn ay umantig sa maraming netizens matapos na maitampok sa Kapuso Jessica Soho nitong Linggo. Marami naman ang nagpadala ng kanilang pagdarasal para sa tuluyang paggaling ng batang si Ranelyn.

Narito ang kabuuang post ng naturang programa:

NAGING BUTO’T BALAT?

"Dati, masigla at malusog si Ranelyn, pala-sayaw at pala-kanta.

Pero ngayon, lumubog na ang kanyang pisngi at bumagsak na talaga ang katawan niya!

Naging mahiyain.

Nahihiya na raw kasi siya kasi sobrang lumuwag na mga damit niya.




Binenta na namin 'yung TV, cellphone, lahat ng mga gamit dito, naibenta na namin, para lang gumaling ang aming anak.

Ang natira na lang 'yung mga paborito niyang bestida.

Umaasa ako na babalik pa 'yung anak ko sa dati, na magiging malusog niya, na muling babagay sa kanya ang mga paborito niyang damit."

-Jerlyn
ina ni Ranelyn


No comments