87-Anyos na Weightlifting Olympian na si Lolo Artemio, Hiling na Makita si Hidilyn Diaz!



Matapos na magwagi ang pambato ng Pilipinas sa larangan ng weightlifting na ginanap sa Tokyo nitong Hulyo 26, ay kabi-kabila ang balita sa makasaysayang pagkapanalo ni Hidilyn Diaz na kauna-unahang nagwagi ng gintong medalya sa bansa sa Olympics. Nag-viral naman ang larawan ng isang 'living legend' na may edad na 87-anyos na naging pangbato din ng bansa.


Siya ay kinilalang si Artemio E. Rocamora na ipinanganak noong Hunyo 29, 1934. Ang ilang larawan ni Lolo Artemio noong siya ay nasa naturang kompetisyon ay ibinahagi ng kanyang proud na proud na si Shana Rocamora Ramirez.

Hiling ni Lolo Artemio na makita ang Olympic Gold Medalist na si Hidilyn dahil lubos ang paghanga ni Lolo sa kampyon. Ani ni Shana, naka-relate daw ang kanyang Lolo sa pinagdaanan ni Hidilyn dahil mahiråp umano ang humanap ng sponsor sa Olympics.



Basahin ang kabuuang post ni Shana:

"THE LIVING LEGEND IN WEIGHTLIFTING"

"Gusto ko po sana Ipakilala at ipag malaki ang aming Papa/Lolo Siya po si Artemio E. Rocamora ipinanganak noong June 29 1934, isa siyang Philippine Air Force Veteran/Athlete noong na nagbigay ng karangalan sa ating bansa bilang 3rd Placer/Bronze winner sa Asian Weightlifting Championship kasabay ng light heavyweight 19th place naman sa overall Tokyo Summer Olympics.

"Noong 1964 Siya ay 87 years old na ngayong taon at gusto lamang namin na habang andito pa siya at nabubuhay. Mabigyan siya ng pag alala sa nauwi nyang karangalan sa ating Bansang Pilipinas noon
I am hoping to voice out his legacy since He is now too old and as he saw Hidilyn Diaz compete and bring home the Gold, He was so amazed and remembered his journey nakarelate sya kasi totoo mahiråp humanap ng sponsors, nahirapan daw sya magfocus noon kasi at the same time kailangan nyang kumayod para itaguyod ang pamilya."


"We will never get tired of listening to his stories. Ang masåkit na part lang, Sana nabigyan din sila ng sapat na suporta at pagkilala noong panahon na binuhat din nila at dinala ang Pilipinas noon.
Im so grateful to be Filipino and proud to be his Apo. Our Super Handsome LOLO Artermio
We Love You So Much Papa! Wala na kaming ibang hiling kundi makasama ka pa namin ng matagal "

No comments