Anak, Ibinuhos ang Limang Taong Sahod Upang Maipatayo ang Pangarap na Bahay ng Kanyang Ama!




Ang pagkakaroon ng komportableng tahanan ay isang malaking biyaya para sa isang pamilya. Kaya naman, marami ang nangangarap na magkoroon na sariling bahay. Isang anak ang tumupad sa pangarap ng kanyang ama na magkaroon ng two-story house. Mula sa blueprint na ginawa ng kanyang ama noon, ay nasa-ikatuparan niya ito.




"Pangarap talaga ng papa ko na maging two-story na my terrace ang bahay namin na tinitirahan, na minana pa n'ya sa magulang n'ya. Bata pa lang ako ay lagi kong nakikita papa ko na gumagawa ng blueprint ng dream house n'ya. Siguro mga tatlong beses ko siya nakita na gumagawa ng layout sa dream house n'ya."

"And praise God! Ang pangarap ng papa ko noon ay hindi na lang sa drawing ngayon kasi naging makatotohanan na. Nakulayan din sa wakas!"sabi niya.




"May isang successful person ako na narinig. Sabi n'ya, siguro kung buhay pa ang magulang n'ya ngayon, lahat ng gustong kainin ibibigay n'ya; lahat ng hilingin, kung kaya, ay ibibigay n'ya. Siguro ngayon daw pinatayuan n'ya ng maayos na bahay kahit mansion pa. Kaso hindi na inabot ng magulang nya yong pag-succeed niya."

"Gusto ko ibigay sa magulang ko 'yong gusto nilang pagkain na kaya pa nila lasahan at nguyain dahil hindi pa bawal.




"Gusto ko rin mapuntahan nila 'yong ibang lugar na kaya pa nilang i-enjoy habang naglalakad. Gusto ko ma-enjoy nila 'yong akyat-baba sa second floor ng bahay na pangarap nila, na hindi pa sumasåkit ang tuhod.

"Iba rin pala 'pag pamilya or magulang mo ang naging inspirasyon mo kasi binibigay talaga ni Lord," dagdag pa niya.

No comments