Dating Pulubï at Palabôy, Naging Honor Student sa Leyte; Pumasa sa UP, Ateneo at La Salle!




Isang lalaki ang kumakatok sa pus0 ng mga netizens para humingi ng tulong para sa kanyang pag-aaral. Sa murå niyang edad ay naranasan na niya ang matinding kahiråpan. Naranasan na din niyang maging palab0y at pulubï dahil sa mga naging desisyon ng kanyang pamilya ngunit hindi ito naging dahilan para siya ay sumuk0 bagkus ay mas ginalingan pa niya ang pag-aaral. Ngunit dahil sa kakapusan ay kinakailangan niya ng mga kagamitan na kakailanganin para sa kanyang pag-aaral.


Narito ang kanyang kuwento at sana ay may magbigay sa kanya ng tulong:

"Ako po si Eugene Dela Cruz, incoming freshman ng Ateneo De Manila University sa kursong AB Economics [Honors].

Sa murång edad na limang taong gulang, naghiwalay ang aking mga magulang. Mula noon, ako'y naiwan sa aking lola (sa side ng aking tatay) at ako'y nag-aral ng elementarya sa Gregorio Del Pilar Elementary School. Ako'y nakapagtapos bilang 'Ikalawang Karangalang Banggit' na siya ring ikinaligaya ko sapagkat nais ko itong ialay sa aking mga magulang upang ako'y mapansin — at mahalin. Ngunit matapos lamang ang ilang linggo, ako'y napalayas sa aming tahanan.

Nagpalipat-lipat ako ng tirahan at minsa'y nakaranas na rin na matulog sa kalye habang nanghihingi ng limos sa mga dumadaan para lamang makakain ng kahit isang pandesal na siyang magtatawid sa aking gut0m para sa araw na iyon.




Maaga mang namulat sa mapåit na karanasan ng pag-iisa, ako'y hindi hinayaan ng Panginoon na mam4tay (maging sa gut0m man o kahit anong kapaham4kan na maaaring mangyari sa daan). Matapos ang tatlong taon, ako'y pinapunta sa Leyte ng aking ama. Ako'y nagpa-enroll sa isang nalalapit na pampublikong mataas na paaralan (Hilongos National Vocational School) ng hindi lingid sa kaalaman ng aking tatay na siya ring ikinagålit niya sapagkat hindi ito ang kanyang ninanais at hindi rin ito isa sa mga dahilan kung bakit niya ako pinapunta sa Leyte.

Ako'y muling naiwan ngunit sa tulong ng aking mga guro, ng paaralan, at ng aking pagsisikap na mag-aral at sustentuhan ang aking sarili sa pamamagitan ng pagtututor at pagtuturo ng sayaw, naitaguyod ko ang aking sarili at nakapagtapos ng hayskul.





Dulot ng pand3mya, nagsara ang mga paaralan na siya ring nag-udyok sa kanila na mag-isip ng makabagong pamamaraan ng pagtuturo. Sa nagdaang taon ng pag-aaral (at huling taon sa hayskul), ang aming paarala'y gumamit ng modular distance learning scheme. Sa awa ng Diyos, ako'y nakapagtapos ng "May Pinakamataas na Karangalan" na siya ring kauna-unahang ibinigay sa isang mag-aaral mula ng maipatayo ang Senior High School ng Hilongos National Vocational School. Sa tulong ng aking mga marka, ako ri'y nabibiyayan ng full scholarship sa De La Salle University (BS Applied Economics [Ladderized] at Ateneo De Manila University (AB Economics [Honors]). Ako ri'y nakapasa sa University of the Philippines (Los Baños) sa parehong kurso (BS Economics).






Sa kabila ng aking kagalakan sa mga biyayang inihatid ng Panginoon sa akin, ako'y lubos na nangangamba. Bukod sa alam kong ang mga unibersidad na ito'y gagamit ng online learning scheme na kung saan ako'y mangangailangan ng internet connection at laptop, ako ri'y kinakailangang magkaroon ng maintaining grade na alam kong mahiråp tuparin lalo na't wala akong mga kagamitang naaayon para sa learning scheme na ito.

Sa katotohanan, ako'y nagsimulang mag-ipon simula noong Setyembre sa pamamagitan ng pagbabawas sa aking pagkain upang makapagtipid at makabawas sa aking gagastusin para sa aking sarili upang ako'y may maitabi na pera sapagkat alam kong hindi magiging madali ang aking pag-aaral kung wala akong laptop ngunit dulot sa scåm na nangyari noong Mayo (20,000+), alam kong imposible na ngayon na makapagipon pa akong muli para makabili ako ng laptop na aking magagamit sa nalalapit na pasukan at orientation seminar sa susunod na mga linggo.



Ako ma'y nahihiyang manghingi ng tulong, tila aking kagustuhang makapagtapos ang siyang naguudyok sa akin na gawin ito para lamang makatulong sa aking pamilya sa hinaharap kahit na ganoon man ang aking naging karanasan dulot ng kanilang mga desisyon. Kung kaya't ako'y kumakatok sa inyong mga pus0 para sa anumang halaga na siyang makakatulong upang makalikom ako ng sapat na salapi upang makabili ng laptop para sa aking pag-aaral. Kayo'y makaasa na ang inyong tulong ay hindi ko aaksayahin at aking gagamitin sa abot ng makakaya upang makatulong sa iba.
Pasensya sa abalang aking naidulot at maraming salamat sa inyong oras."

No comments