Delivery Rider, Nakitang Namamahinga Matapos na Makaramdam ng Sobrang Pagod sa Pagtatrabaho!
Ang kalusugan ay nararapat na paka-ingatan, dahil ito ay nagsisilbing kayaman para sa atin. Ang pagkakayod ng butô ay kinakailangan din ng pahinga. Hindi dapat na ibuhos ang buong lakas para sa pagtatrabaho dahil maaari tayo magkasåkit kapag pinabayaan natin ang ating kalusugan. Isang halimbawa na lamang dito ang delivery rider na namataang nagpapahinga sa isang tindahan.
Makikita ang lalaki na nagtanggal ng sapatos at pumikit saglit para magpahinga. Isang concerned netizen na kinilalang si Joy Galyan, may-ari ng tindahan, ang nagbahagi ng larawan ng lalaki sa social media na agad naman nag-viral.
Kuwento ni Joy, nagpaload lamang sa kanya ang lalaking kinilalang si Michael Labiano upang matawagan ang kaniyang pagdadalhan ng package. Kumain na rin umano ng banana cue si Micahel at uminom na ng kape. Matapos naman nito ay nagpaalam si Michael kay Joy na kung maaari ay uupo lamang siya sa tapat ng kanyang tindahan.
Nagulat naman si Joy nang makita itong naghubad ng sapatos at natulog, hinayaan na lamang niya si Michael at inihanda na rin niya ang ilang tulong na ibibigay niya kay Michael dahil alam ni Joy na pagôd na pagôd ito.
"Sobra po talaga akong naawa kaya habang tulog siya ay hinanda ko na 'yung ibibigay ko sa kaniya na bigas, prutas, mga kape at kaunting cash," kuwento ni Joy.
"Tanong ko nga sa kaniya [pagkagising]: "kaya niyo na po ba [bumiyahe]?" Oo raw, pero makikita mo sa mata niya na grabe ang pagod niya," dagdag ni Joy.

No comments