Estudyante, Humingi ng Tulong sa Kanyang Guro Dahil Wala na Silang Pangbili ng Pagkain!




Isang estudyante ang humingi ng tulong sa kanyang guro. Masasabi na ikalawa na nating magulang ang mga guro dahil itinuturing na nating ikalawang tahanan ang paaralan noong wala pang pand3mya at face-to-face pa ang klase. Ibinahagi ng guro na si Teacher Ethan Andrew Calla ang naging usapan nila ng kanyang estudyante.




Mababasa sa kanilang naging pag-uusap kung paano humingi ng tulong ang estudyante ni Teacher Calla sa kanya. Ayon sa estudyante, nilakasan na umano niya ang kanyang loob na humingi ng tulong sa kanyang guro dahil wala na umano silang makain at ubos na rin ang kanyang sweldo. Naaawa na din siya sa kanilang bunso dahil kumakalam na umano ang sikmurå nito.

Wala ring permanenteng trabaho ang kanyang ama at suma-sideline lamang ito dahil mahinå na ang katawan.

Dahil dito, ay nahihiråpan na ang estudyante kung paano sila makakakain at ang tangi lamang niyang naisip ay lumapit sa kanyang guro.






"Sir, hingi po sana ako kaunting tulong sir. Kase po wala na po akong natirang sweldo, eh, wala na pong pambili ng pagkain, kawawa naman po ang kapatid kung bunso."

"Si papa po kasi wala na po trabaho, part time part time na lang po sir kase mahina na po katawan," dagdag pa niya.

Naramdaman naman ni Teacher Calla ang kalagayan at pinagdadaanan ng kanyang estuyante. At hindi din siya nagdalawang isip na tulungan ito, sinabi niya sa kanyang estudyante na magbibigay siya ng grocery items sa susunod na pagkikita nila at nagbigay nga ito ng petsa.




"Everytime na nakakatanggap ako ng msg from my students like this, sobrang lumalambot ang puso ko. Yes, hindi natin sila obligasyon and they're not requiring us to help them all the time, pero there are instances na talagang lalapitan ka nila kasi alam nilang matutulungan mo sila. And without any hesitations, talagang pinapaabot ko kung ano man ang makakaya ko," pahayag ni Calla.

"Remember, no one is useless in this world who lightens the burdens of another, there is no exercise better for the heart than reaching down and lifting people up. When we give cheerfully and accept gratefully, everyone is blessed," dagdag pa ni Calla.


No comments