Sir Wil Tolentino, Binigyan si Madam Inutz ng Php 200,000 Kasama si Herlene Hipon!
Mabilis na nag-viral sa internet ang online seller na si Daisy Lopez o mas kilala bilang Madam Inutz. Kumalat sa social media ang mga video na puro pagpapatawa at dahil dito, imbis na bumili o mag-mine ang mga viewers ay nagpapa-shout out na lamang sa kanya at aliw na aliw na pinapanood siya. Talaga naman nakakatanggal ng pr0blema ang mga biro ni Madam Inutz.
Bagaman ay nagpapatawa, ay may kinahaharap din siyang pagsubok. Ang kanyang ina ay mayroong karamdaman at kinakailangan niyang mag-doble ng sipag para may pang tustos sa kanyang ina at tatlong anak dahil single mom siya.
Katuwang ang kanyang ama at mga kapatid, ay nairaraos nila ang mga gastusin sa pang araw-araw. Pangarap din umano ni Madam Inutz na makapagpatayo ng sariling bahay para sa kanyang mga magulang at pamilya kahit na sa maliit na lupa lamang.
Sa isang vlog ni Wilbert Tolentino o Sir Wil, ay sinurpresa niya kasama si Herlene "Hipon" Budol, ang viral online seller. Binisita ni Sir Wil at Hipon ang kalagayan ng ina ni Madam Inutz. At dito na inilabas ni Sir Wil ang kanyang surpresa para sa mag-ina.
Php 100,000 para sa ina ni Madam Inutz at Php 100,000 para sa puhunan ni Madam Inutz sa kanyang pag-oonline selling.
Hindi naman napigilan ni Madam Inutz at ng kanyang ina na mapaiyak. Maging si Hipon ay hindi na rin napigilan ang emosyon dahil talaga namang napakalaking tulong ng ibinigay ni Sir Wil sa mag-ina.
Panoorin ang kabuuang video:
No comments