Watch | 10-Anyos na Batang Lalaki, Masipag at Tumutulong sa Kanyang Ina Kahit na Wala Siyang mga Kamay at Paa!




Mapalad ang marami sa atin dahil malusog at kompleto ang parte ng ating katawan, may malinaw na mata at pangdinig, at hindi nahihiråpang kumilos. Isang batang lalaki naman ang natulungan ng Virgelyncares 2.0 dahil talaga namang nakakaantig sa pus0 ang kanyang kalagayan. Sa edad na 10-taong gulang ay masipag siyang kumukuha ng mga panggatong sa bundok kahit na wala siyang mga kamay at paa.



Dahil sa kagustuhang makatulong sa kanyang pamilya at hindi maging pabigat, ay pinipilit niya pa ring makatulong sa pamamagitan ng pangongolekta ng mga kahoy. Kung minsan pa umano ay nagluluto na din siya ng bigas.


Ani ng kanyang ina, maaasahan talaga ang kanyang anak dahil kung minsan ay may panggatong na nakahanda kapag siya ay magluluto na. Kung minsan din ay pinipigilan na niya ang kanyang anak na lumabas at kumilos ngunit talagang mapilit umano ang kanyang anak.





Halos magkandasug@t-sug@t na rin ang kanyang mga binti dahil sa paggapang nito lalo na at hindi patag ag kanyang mga nadadaanan.

Dahil dito, binigyan ng vlogger ang mag-ina ng pera na nagkakahalaga ng Php 10,000 para may pangbili na sila ng wheelchair ng bata. Dinagdagan pa niya ito ng dalawang libo para may pangbili din sila ng dalawang sakong bigas.




Hindi naman napigilan ng ina na maluha nang mabigyan sila ng tulong pinansyal. Matagal na umano niyang gustong maibili ng wheelchair ang anak ngunit hindi siya makaipon dahil sa kakapusan. Lubos naman ang pasasalamat ng mag-ina sa vlogger.

Narito ang video:




No comments