Watch | Isang Vlogger, Kinamusta ang Kalagayan ng Artistang si Murå!


Si Allan Padua o as kilala bilang 'Murå' ay isang sikat na komedyante at aktor. Siya ay dating ka-love team ni Mahal. Nakilala siya sa mga palabas noon tulad ng Darna (2009), Volta (2004) at Wapakman (2009). Siya ay namayagpag sa industriya. Ngunit, taong 2010 ay nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari na naging dahilan sa paghinto ni Murå sa kanyang karera sa pag-aartista.


Kamakailan naman ay kinamusta ng isang vlogger na si Virgelyncares 2.0 ang kalagayan ni Murå. Naninirahan ngayon si Murå sa isang lugar sa probinsiya ng Bicol.

Payak ang pamumuhay roon ni Murå kasama ang kanyang pamilya. Ngunit, umasa pa rin siyang makakabalik muli sa industriya. Sa katunayan ay inalok pa siya ng isang role sa 'FPJ's Ang Probinsiyano' ng namayapång batikang artista na si Eddie Garcia ngunit dahil sa kanyang kalagayan ay hindi niya ito tinanggap.



Mahina na ang tuhod ni Murå marahil ay dahil na rin sa nangyari sa kanya noong 2010. Dahil dito, ay binigyan siya ng vlogger ng pera na nagkakahalaga ng Php10,000. Ang perang iyon ay inihandog ng mga OFW at mga Pilipino.


Sa huling pag-uusap ng vlogger at ni Murå, ay pinayuan siya nito mag-focus na sa pag-aalaga ng baboy at pagsisikap sa buhay. Hindi naman napigilang maluha ni Murå sa naging pag-uusap nila ng vlogger.

Panoorin ang video:

No comments