Watch | Madam Inutz, Humakot ng Humigit P300,000 sa 2-Minute Shopping Challenge ni Sir Wilbert Tolentino!




Bumubuhos ang biyayang natatanggap ngayon ng viral online seller na si Daisy Lopez o mas kilala bilang "Madam Inutz". Lingid sa kaalaman ng marami na sa kabila ng mga pagpapatawa nga online ay mayroon pala siyang pinagdadaanan sa buhay. Siya ay isang single mom sa tatlo niyang anak at tinutustusan din niya ang mga pangangailangan ng kanyang ina na may malubhang karĂ¥daman.




Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang isang vlog ni Sir Wilbert Tolentino kung saan dinayo pa nila, kasama si Herlene Hipon Budol, ang bahay ni Madam Inutz upang surpresahin ng Php 200,000. Ito ay para sa pang puhunan niya sa pag-oonline selling at ang kalahati naman ay para sa pangpagam0t ng kanyang ina.

Sa isang video naman ni Sir Wilbert sa kanyang Youtube Channel ay binigyan niya ng challenge sina Hipon at Madam Inutz kung saan maaari silang mamili ng mga gusto at pangangailangan nila sa loob ng dalawang minuto at kung sino ang makakapamili ng mas malaking halaga ay magkakaroon pa ng additional Php 10,000.





Naunang namili si Hipon sa challenge at nakahakot siya ng nagkakahalaga ng humigit Php 100,000. Ayon kay Hipon, ang mga nakuha niya ay ibabahagi niya rin sa iba na hinangaan naman ng marami at ni Sir Wilbert.




Sumunod na humakot si Madam Inutz, at nagwagi siya sa challenge dahil ang nahakot niya ay nagkakahalag ng humigit Php 300,000. Dahil dito ay nabigyan pa siya ng additional Php 10,000 cash prize.

Narito ang kabuuang video mula sa Youtube Channel ni Sir Wilbert:



1 comment: