Watch | Rudy Baldwin, Ipina-Tulfo ng mga Nagpahula sa Kanya Nang Hindi Nagkatotoo ang Hula sa Kanila!



Si Rudy Baldwin ay isang sikat na manghuhula. Nagbibigay siya ng ilang impormasyon sa kanyang social media accounts ng ilang mga navi-vision niya at nagbibigay rin siya ng babala sa mga tao na mag-iingat. Lumapit naman sa programa ni Raffy Tulfo ang dalawang babaeng hinulaan ni Baldwin. Ang episode na ito ay na-ere nitong Agosto 17.




Isa na lamang dito ay si Solen Itaya. Sinumbong ni Itaya ang mga kasinungålingan ni Baldwin at sinabi rin niya ang mga hula na hindi nagkatotoo. Isa sa mga hula ni Baldwin kay Itaya ay babae ang magiging apo niya na ipinagbubuntis ng kanyang apo. Hindi na nila umano pina-ultrasound dahil kampante na silang babae ang isisilang ng kanyang anak. Ngunit, lalaki ang sangg0l kaya naman laking panghihinayang ng pamilya ni Itaya dahil nakabili na umano sila ng mga gamit ng bata na pangbabae.





Lumapit rin sa nasabing programa ang dating manager ni Baldwin na si Elzen Estores o Bonita Pascual. Ayon umano sa naging vision ni Baldwin sa kanya, ay magiging Mayor umano siya ng Bulacan. Binenta din ni Estores ang mga ari-arian dahil sinabi umano ni Baldwin na magugunåw na ang mundo noong buwan ng Marso taong 2020.




Pabiro namang sinabi ni Idol Raffy na, "Hindi ba niya na-vision na ma-tuTulfo siya?" Marami naman sa mga netizens ang hindi napigilang matawa dahil nagpapaniwala umano sila sa mga hula ni Baldwin. Nag-iwan naman ng mensahe ang kampo ni Baldwin hinggil sa mga aligasyong ibinabato sa kanya.

Narito ang kabuuang video:



1 comment:

  1. mama mia hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa nagrereklamo.jusko po nko ate ewan ko kung ano natira mo at sumobra kang tanga...e ikaw ang may problema....nko Idol tulfo ako talagang pinagtatawanan ko siya..sobrang ewan🤦‍♀️🤦‍♀️🤦‍♀️

    ReplyDelete