Kris Bernal at Perry Choi, Ikinasal Na!
Si Kristine Ann Tan Bernal-Choi ay isang Filipina actress. Nagsimula ang kanyang karera sa showbiz nang sumali at manalo sa isang reality-based talent na StarStruck ng GMA Network. Mas sumikat pa ang aktres nang makatambal niya ang aktor na Aljur Abrenica. Nang matapos ang loveteam ng dalawa ay ipinapatuloy pa rin ni Kris Bernal ang pag-arte sa mga topbill soap operas.
Ikinasal na ang magkasintahan na sina Kris Bernal at Perry Choi ngayong Sabado, Setyembre 25. Ibinahagi ni Kris ang video ng seremonya ng kanilang kasal sa kanyang yourube channel.
Sa dami ng mga postpone na nangyari bago ang kanilang kasal ay hindi napigilan ng aktres na maging emosyonal nang lumalakad na siya sa aisle suot ang kanyang magarbong gown. Si Yeng Constantino naman ang kumanta sa kasal nila Kris at Perry na orihinal niyang sinulat, ang "Ikaw".
Matatandaan na bago pa ang kanilang wedding day ay ibinahagi ng aktres ang mga larawan nila at ang kanilang prenup video. Si Kris at Perry ay na-engage noong Pebrero 2020. At Mayo ngayong tao ay dapat na ikakasal na ang dalawa ngunit marami ang naging pagbabago at nausad ng nausap ang kanilang wedding day dahil sa patuloy na pagtaas ng kas0 ng C0VID 19.
Marami ang nag-abang sa live broadcast ng kasal ni Kris at marami rin ang bumati sa kanila na bagong kasal. Congratulations po!
Panoorin ang seremonya ng kasal nila Kris at Perry sa youtube channel ni Kris Bernal:
No comments