Mga Taong May Edad Na, Napipilitan Pa Ring Maghanap-Buhay Para May Makain sa Pang Araw-Araw!



Nakakalungk0t man ngunit parami pa rin ng parami ang mga kababayan nating nakakaranas ng matinding kahiråpan sa buhay. Kaya naman kadalasan, may mga matatandang napipilitan pa ring mag hanap-buhay kahit na hindi na sila ganoon kalakas at kahit na may edad na. Minsan, dahil din sa kapabayåan ng anak ay napipilitan silang magtrabaho.




Matapos na palakihin, alagaan, at pag-aralin ay iniiwan na lamang sila ng kanilang mga anak. Katulad na lamang ng isang lola na matiyagang naghahanap-buhay para lamang makaraos sa kanyang pang araw-araw. Tulak-tulak ang mabigat na kariton ay tinitiis ni Lola ang hiråp.

"Si Nanay Leticia Ferrer, dating Domestic Helper sa Hongkong..Sinakripisyo ang mahabang panahon na 'di kapiling ang 5 anak mabigyan lang ng magandang buhay, mapag-aral at ng 'di danasin ang hiråp na dinanas nya..Sa isip nya ok lang magtiis para sa mga anak tutal kapag nakatapos sila sa pag-aaral, sila naman mag-aalaga sa kanya.."

"Natapos makapag-aral ang mga lima nyang anak, nakapagtrabaho at namuhay ng sapat..Subalit nagkaroon ng kani-kanilang pamilya..Si Nanay Leticia, pinagawan ng isang anak ng rolling-store para matugunan ang pang araw-araw nyang pangangailangan..Sa ngayon namumuhay mag-isa si Nanay Leticia sa isang relocation area sa Fairview.."




Viral naman ang isang larawan ng matandang lalaki na nakasakay sa pampasaherong jeep. Ang lolo na ito ay makikitang naglalako rin ng iba't-ibang paninda tulad ng biscuit at kendi. Ngunit ang kanyang mga paninda ay nakasabit lamang sa kanyang katawan at ang iba naman ay hawak niya.

Kaya naman, masuwerte pa rin tayo na may kinakain tayo sa araw-araw at ang ilan pa sa atin ay hindi na mapipilitan pang magtrabaho katulad nila Nanay Leticia at Lolo. Nawa ay kapag nakakita tayo ng katulad nilang naghahanap-buhay pa rin kahit na may edad na ay huwag tayong magdalawang isip na bumili sa kanila dahil isang malaking tulong na ito para sa kanila.





No comments