Security Guard, Hinangaan Online Matapos na Tulungan ang Isang Gipit na Estudyante!




Sa buhay ay hindi natin inaasahan na may mga taong hindi natin kakilala pero handang tumulong sa atin. Sila ang tinatawan na Good Samaritans na bukal sa kanilang kalooban ang tumulong sa nangangailangan. Katulad na lamang ng isang viral na Security Guard, hinangaan siya online matapos na ibahagi ng estudyanteng kinilalang si John Boy Z. Saldivia ang kabuihang ipinakita sa kanya ng sekyu.





Ang Good Samartan ay kinilalang si SG. Mariel Bolivar. Kuwento ni John Boy, wala na umano siyang kapera-pera ng mga panahon na iyon at talagang nagipit siya. Dahil dito ay nakiusap siya sa kanyang kaibigan na kung maaari ay padalhan siya ng pera para kahit papaano ay may pang gastos siya at pangbili ng makakain.

Hinabol ni John Boy ang oras bago magsara 'Money Remittance Center' kaya tumakbo siya ng ilang kilometro para maabutan pa niya ang money remittance center ngunit tanging ang guwardya lamang ang kanyang naabutan.





Kinausap niya ang guwardya na si SG. Bolivar kung maaari ba niyang makuha ang pera na ipinadala sa kanya dahil walang-wala na umano siya ngunit sinabi ng guwardya na sarado na ang money remittance center.

Dahil dito ay nanlumo na lamang si John Boy at napaupo na lamang sa gilid. Ilang minuto lamang ang nakakalipas ay nagulat siya nang abutan siya ng guwardya ng pera.




Ani ni SG. Bolivar sa kanya, ay ibalik na lamang ang pera kapag nakapagtapos na siya ng pag-aaral. Sinabihan din siya nito na mag-aral ng mabuti. Si John Boy ay kasalukuyang nag-aaral bilang Criminology.


No comments