'Super Lola' ng Bulacan, Matiyagang Naglalako ng Ice Cream sa Apat na Barangay Para sa Kanyang Pamilya!




Sa tuwing makakakita tayo ng matatanda na kumakayod pa rin sa buhay ay hindi natin napipigiling mapaisip kung bakit sa edad nila ay nakakayanan pa rin nilang maghanap buhay. Nakakahanga din dahil kahit na may edad na sila ay malalakas pa rin nag kanilang katawan at kayang kaya pang makipagsabayan sa mga bata. 




Isang 'super lola' ng Bulacan naman ang nag viral kamakailan dahil sa sipag nito sa paghahanap buhay bilang ice cream vendor.

 Ayon sa mga ulat, si Lola Angeles Merin ang inaasahan ng kanyang pamilya sapagkat ang asawa nito ay wala ng kakayahang magtrabaho pa. Na-str0ke ang kanyang asawa na naging dahilan para hindi na siya makalakad pa. Si Lola Angeles ay 73-anyos na residente ng Bulacan. Apat na barangay sa Bulacan ang nililibot niya para makapagbenta ng tinda nitong ice cream. 




Aminado si Lola Angeles na hindi madali ang kanyang trabaho lalo na at mabigat ang kanyang pinapasan na paninda at malayo ang lugar na kanyang pinaglalakuan. 




Sa kabutihang palad ay binigyan naman si Lola Angeles ng Unang Hirit ng mga grocery items bilang tulong sa kanya at sa kanyang pamilya. Marami ang humahanga kay Lola Angeles dahil sa kasipagan nito sa kabila ng kanyang edad.

No comments