'WALANG IWANAN' Tingnan ang Purong Pagmamahalan ng 11-Anyos na Bata at Ang Kanyang Kaibigang Aso!




Ang bawat isa sa atin ay nais na makahanap ng tunay na pagmamahal, ngunit alam niyo bang ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang makikita at mararamdaman sa mga taong nasa paligid niyo? Dahil kaya itong iparamdam sa atin ng aso katulad na lamang ng asong pinangalanang 'Princess'. Si Princess ay alaga ng 11-anyos na batang si Renzy Vedad.




Nag-viral ang larawan ng magkaibigan matapos na ibahagi ni Jennifer S Castro sa kanyang socail media account. Ayon sa kanyang caption:

"Napatingin nalang ako at napa isip sa nadaanan q kahapon.. Iba tlga mag mahal ang mga alaga naten Minsan dinaig pa ang mga kadugĂ´ o kamag anak.. Sila sasamahan ka sa hirap at ginhawa... sa initan at ulanan Loyal pa sya sa JOWA moh Ang alaga moh Bk po may mkadaan jan Sana po kht pano matulungan naten sila Sa mga nagtatanong ng loc. Sa may rotonda Pasay ko po sila nakita sa foofbridge Pwede ko din po kayo samahan sa loc. Kung tlgang dsidido nyong tulungan sila"




Ayon naman sa ulat na nasagap ng GMA News nitong Setyembre 4, namataan uman ang magkaibigan sa footbridge sa Pasay City. Kalong-kalong umano ni Renzy si Princess. Kuwento ni Renzy, simula maliit pa lamang siya ay alaga na niya si Princess at suportado naman ito ng kanyang ina. Sa katunayan ay parang anak na rin ang turing nito dito.

Pangarap umano ni Renzy na magkaroon ng sariling tahanan upang hindi na sila natutulog at namamalagi sa kalsada. Kasalukuyan naman siyang nag-aaral ngayon bilang Grace 6 student.


No comments