70-Anyos na Ginang, Isinilang ang Una Niyang Anak; Habang ang Kanyang Mister ay 75-Anyos Na!




Pangarap ng isang babae ang magkaroon ng sariling anak ngunit, may ilan na hindi nabibiyayaan ng anak. Bagaman, ang ilan ay hindi na nabibiyayaan na magkaroon ng sariling anak ay may mga tao namang pinalad na magkaanak kahit pa may edad na sila. Katulad na lamang ng isang ginang na mula pa sa India na nabiyayaan ng anak sa edad na 70.




45-taon ng kasal ang mag-asawang sina Jivunben Rabar at si Maldhari. Kuwento ng mag-asawa, hirĂ¥p umano silang makabuo noon. Kaya naman nagdesisyon ang mag-asawa na sumailalim sa in vitro fertilization o IVF, kung saan tinatanggal ang egg cell ng babae mula sa obaryo, at ipe-fertilize ito gamit ang sperm cell ng lalaki sa laboratoryo. Kapag na-fertile na ang egg, saka ito ibabalik sa bahay-bata ng babae para roon na tuluyang mabuo ang sanggol.




Labis naman ang tuwa ng mag-asawa sa unang pagkakataon na nabuntis si Jivunben, at ang tagumpay na pagkasilang ng sanggol sa kabila ng kanilang edad.

"When they first came to us, we told them that they couldn't have a child at such an old age, but they insisted. They said that many of their family members did it as well. This is one of the rarest cases I have ever seen!" sabi ng doktor na si Dr. Naresh Bhanushali.




Sinabi ng OB-GYN na si Dr. Marc Ancheta na 43% lamang ang tiyansa ng survival ng egg at embryo na kinuha mula sa mga babaeng edad 35 pababa, habang 15.6% ang tiyansa ng survival na kinuha mula sa mga edad 41 hanggang 42.



No comments