Bahay na Tagpi-tagping Yero sa Labas, Maaliwalas at Malinis Pala sa Loob!




Isa sa pangarap ng mga tao ay ang magkaroon ng sariling bahay. Bata pa lamang ay gumuguhit na tayo ng ating 'dream house'; malaki, maaliwalas, maganda at napupuno ng mga magagandang kagamitan, maraming halaman at kung anu-ano pang magagandang bagay na makikita sa loob ng isang bahay. Ang bahay ang nagsisilbing silungan tuwing maulan at maaraw. Komportable at ligtas din tayo kapag nasa loob tayo ng ating bahay.




Isang facebook post naman ang nag-viral matapos na ibahagi ni Mhareese Aquino ang ilang larawan ng tahanan ng kanyang pinsan sa isang facebook group na Home Buddies. Makikita sa nasabing group ang mga larawan ng iba't-ibang bahay ng mga miyembro ng Home Buddies.

Talaga namang nakakagulat ang loob ng bahay na ito dahil kung makikita sa labas ay pinagtagpi-tagping yero lamang ito. Ngunit kapag ikaw ay pumasok sa loob ng bahay ay makikita ang malinis at maaliwalas na tahanan.





Umani ito ng maraming reactions at magagandang komento. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"nasa diskarte mo kasi yan di need na gumastos ng malaki para gumanda bahay nasa diskarte mo"

"Sabi nga..kahit gaano kaliit at ka simple basta malinis ka,,maganda sa mata... Compare sa Malawak at malaking bahay at bakuran kung marumi naman...Di kailangan ng malaki at magarang bahay...."

"it's the person who lives in it...simple lang pero may peace talaga as a whole kung napapansin niyo.... Salute to the owner of this house ..naalala ko tuloy bahay namin noon...."




Narito ang kabuuang post:

"hi kapitbahays! share ko lang po yung bahay ng pinsan ko na napakasarap tambayan dahil super aliwalas at linis. Nasa last picture po yung labas ng bahay na di mo aakalain na ganito kacute sa loob Tambayan na namen to magpipinsan lalo na kapag tanghaling tapat kase super init, pero dto super maaliwalas lalo na sa mini terrace nya. gawa lng po ito sa tagpi tagping yero pero napaganda nya yung iba po jan halos bigay lang dn po ng mga kapitbahays."



No comments