Bongbong Marcos, Idineklarang Tatakbo sa Pagkapangulo sa Halalan 2022!




Inanusyo na ni Former Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ngayong Martes, ang kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa darating na Halalan 2022. Tinanggap rin niya ang pagiging miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) kung saan ito ay partido ng administrasyong Duterte.

"I am announcing my intention to run for the Presidency of the Philippines in the upcoming 2022 elections," Pag-aanunsyo ni Marcos.




"I will bring back unifying form of leadership in the country," dagdag pa nito. Inindorso si Marcos ng PFP na tumakbo sa pagkapangulo nitong Setyembre 21, mismong anibersaryo ng pagdeklara ng Martial Law ng ama ni Marcos.

Taong 2016 nang mabigong maipanalo ni Marcos ang pwesto sa pagkabise-presidente labån kay VP Leni Robredo na may lamang na 263,473 boto. Nagpr0testa si Marcos nang siya ay matalo dahil di-umano'y dinayå siya, ngunit nabigo pa rin si Marcos.





Si Ferdinand "Bong" Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa initials na BBm ay isang Filipino-Politican na nanilbihan bilang Senador taong 2010 hanggang 2016. Ikalawang anak siya ng Former Pres. Ferdinand Marcos at Former First Lady Imelda Romualdez Marcos.




Tumakbo si Marcos bilang Governor ng Ilocos Norte noong 1998 at nanalo, naging Representative of the Second District ng Ilocos taong 1992 hanggang 1995 at 2007 hanggang 2010. Naging Senador naman noong 2010-2016 sa ilalim ng Nacionalista Party.



No comments