Estudyante na PWD, Ipinamalas ang Galing sa Pagguhit sa Pamamagitan ng Kanyang Paa!




Ipinamalas ng isang estudyante ang kanyang talento sa pagguhit. Ngunit, ang kanyang talento ay pambihira dahil imbis na kamay ang gamit niya, ay paa ang ipinangguguhit niya sa kanyang mga obra. Siya si Angel Mae Otom, 16-anyos na nag-aaral sa Olongapo City National High School. Siya ang reperesentative ng kanilang paaralan para sa Division School Press Conference.




Labis na hinangaan si Angel dahil sa kabila ng kanyang kapansånan at kawalan ng mga kamay ay nakakaguhit pa rin siya at makikita na napahusay nito sa pagguhit.

Ibinahagi ni James Konstantin Galvez sa social media ang larawan ni Angel upang maging inspirasyon sa iba. Hinangaan naman si Angel ng marami dahil nakakitaan siya ng determinasyon upang maipakita sa iba ang kanyang kakayahan at talento.




Sa kabilang banda, ay hindi nagwagi si Angel sa nasabing patimpalak. Bagaman bigo, ay hindi naman siya nabigong ipakita ang kanyang talento at patunayan na kahit pa may kakulangan siya sa kanyang pisikal na kaanyuan ay hindi ito hadlang upang sumuk0 na sa mga bagay na kinahihiligan niya.

Ipinagpapatuloy pa rin ni Angel ang kanyang pagguhit at hindi siya tumutigil na ipakita sa iba ang kanyang talento tulad ng iba.

No comments