Idol Raffy Tulfo, Pormal ng Inihain ang Kanyang Kandidatura Para sa Senador sa Halalan 2022!




Kilala si Raffy Tulfo bilang "Hari ng Public Service" dahil sa pagtulong nito sa mga kababayan na nangangailangan. Marami ng natulungan si Idol Raffy at umaani siya ng milyong-milyong views sa bawat episode sa kanyang Youtube channel na Raffy Tulfo in Acti0n. Popular ding tinatawag kay Raffy ang "Idol" dahil sa dami ng sumusuporta at umiidolo sa kanya.




Pormal nang inihain ni Idol Raffy ang kanyang kandidatura para sa Senador sa darating na Halalan 2022 nitong Sabado. Tatakbo si Idol Raffy bilang indipendent candidate.

Matatandaan na nitong Biyernes ay namaalam na siya sa primetime newscast ng TV5 "Frontline Pilipinas" kung saan siya nagtatrabaho bilang broadcaster.

"May halong lungkot at saya ang aking nararamdaman ngayon sa aking gagawing pagpapaalam sa inyo dito sa 'Frontline Pilipinas,'" ani ni Idol Raffy.





"Isang [itong] karangalan na mula ngayon at magpakailanman ay nakatatak na sa aking puso, at aking maipagmamalaki saan man po ako makakarating," dagdag pa niya.

Nagsimula ang broadcast career ni Idol Raffy noong early '90s at ilang taon rin siyang lumalabas sa telebisyon kasama ang ilan sa kaniyang pamilya na sina Ramon, Ben at Erwin.




Ayon naman sa Pulse Asia Survey, ay nangunguna sa listahan si Idol Raffy sa preferred senatorial candidates dahil sa dami ng sumusuporta sa kanya at sa dami ng nagtitïwala sa kanya.



1 comment:

  1. For me it's a mixed of emotions, I am so happy upon knowing that idol Raffy Tulfo is going to run as a senator wherein he can be an instrument for a quick and better justice to be implemented in our country. However, I AM quite sad since he is no longer in the Radio helping those who are badly need a quick response and help of their respective problems. Anyways... my full support and best of luck Sir IDOL RAFFY TULFO...Keep up the good work. GOD BLESS YOU ALWAYS!

    ReplyDelete