Isang Inang OFW, Nasurpresa Nang Malamang Inipon ng Asawa ang Ipinapadala Niya Pera na Umabot ng Php300k!
Isa sa susi para makaahon sa buhay ay ang pag-iipon ng pera. Sa pag-iipon ng pera ay kinakailangang maging tipid at kung maaari, ay huwag basta-bastang bibili lalo na kung hindi naman kinakailangan. Iwasan ding bawasan ang iniipong pera sa halip ay dagdagan pa ito. Isang inang OFW naman ang nasurpresa ng kanyang pamilya nang makauwi ito sa kanilang tahanan.
Lingid sa kaalaman ng ina na si Rodelyn Fortes na hinihintay siya ng kanyang pamilya na may malaking surpresa para sa kanya. Napag-alaman ni Rodelyn na ang kanyang mister na si Rogelio Fortes ay inipon ang mga pera pinapadala niya sa kanyang pamilya. Imbis na gastusin ay inipon na lamang ni Rogelio at ng dalawang anak nito ang pera at umabot nga ito ng Php 300,000. Ang mag-asawa ay mula sa Agoo, La Union.
Kaya naman, laking gulat ni Rodelyn ang balde-baldeng perang papel at barya.
"Ang ginawa ko para makatulong ako sa asawa ko, nagpursige akong mag-ipon. Lahat ng ipinapadala ng misis ko imbes na bawasan ko dinadagdagan ko pa kasi nga nag- store ako," ani ng Mister.
Dahil dito, nakapagpaayos sila ng kanilang bahay at nakabili rin ng motorsiklo at sidecar. "Hindi ko lubos maisip na ganun yung maiipon niya kasi magkano lang naman yung sahod ko doon sa Kuwait saka sa Malaysia," ayon kay Rodelyn.
Ipinagmalaki rin ng mag-asawa na tinuturuan nila ang kanilang mga anak na mag-ipon at kung paano pahalagahan ang pera.

No comments