Isang Palaboy na Nag-Viral sa Pagbirit ng Kantang "Just Once", Nakatanggap ng Tulong!




Marami ang nakapansin sa isang video kung saan mapapanood ang isang palaboy na lalaki na bumirit ng paborito niyang kantang "Just Once". Marami ang napahanga sa talentong ipinakita ng lalaki. Dahil dito, ay nabigyan siya ng tulong ng isang vlogger. Maging ang kapatid ng lalaki na isang palaboy rin ay binigyan ng tulong.




Kinilala ang vlogger na si Rey Moncada Bayagusa ng Boss Rey Vlogs, na nagbigay ng instant makeover kay Vivencio Empalmado Jr. o 'Jun' nang mapanood niya ang viral video nito. Pinagupitan niya ang buhok ni Jun at nag-glow up ito at tila hindi na siya mamumukhaan dahil malayong-malayo sa itsura niya noon. Binihisan din ng vlogger ta binilhan ng grocery items si Jun.

Ayon kay Rey, namukhaan niya si Jun dahil nakikita niya itong dumadaan sa kaniyang tindahan sa Catarman. "Sabi ko sa tao ko, 'Nakita mo ba ito noong araw ng pagpasok mo?' Sabi niya 'Parang nakita ko 'yan kuya.' Sabi ko 'Halika samahan mo nga ako.' Sobrang galing ng talent nito, baka may pinagdadaanan lang," sabi ni Rey.





Napag-alaman naman ni Rey na dating miyembro si Jun ng choir sa kanilang simbahan nang bumisita sila sa mga kaanak nito. Dumanas din ng depr3syon si Jun matapos masaksihan ang pagkam4tay ng mga magulang at kapatid.

"Hindi rin po siya nakapag-asawa dahil nga rin po roon sa siya 'yung umalalay talaga sa mga magulang niya. Pagkakaalam ko, 25 years old pa lang siya, na-depr3ssed na po," ani Rey.

Kasalukuyan nanunuluyan si Jun kina Fernan, ang uploader ng video ni Jun na nag-viral. Kinupkop na rin nina Fernan ang kapatid ni Jun, na isa ring palaboy sa kalsada.




Ayon kay Rey, sinagot ng kaniyang kapatid ang pa-check up at pareseta ng doktor nina Jun at kapatid nito. Bibigyan din nila ito ng pangkabuhayan kapag magaling na sila.

Ikinuwento ni Rey na galing sa hirap ang kanilang pamilya kaya alam nila ang pakiramdam ng maging kapos sa buhay.

"Huwag nating bibilangin kung ano lang ang natulong natin. Si God na po ang bahala diyan kung ibibigay sa atin kung ano ang pangangailangan natin. Huwag magsawang tumulong hangga't mayroon. Sabi nila, may ipon ka, mas maganda na tumulong kaysa ibili mo ng mga mamahaling bagay," anang vlogger.



No comments