TV Host Willie Revillame, Hindi Umano Tatakbo Bilang Sendaor sa Halalan 2022; Patuloy Pa Rin ang Pagtulong sa mga Tao!
Kilala si Willie Revillame o 'Kuya Wil' sa pagtulong sa mga taong nangangailangan. Maraming Pilipino ang umiidolo sa kanya dahil sa kabutihan ng kalooban nito lalo na sa mga nangangailangan ng tulong niya. Si Kuya Wil ay isang sikat na TV Host at kasalukuyang nasa GMA Network at host ng Tutok-to-Win kung saan tumatawag siya sa mga taong humihingi ng tulong sa kanya.
Kamakailan lamang nang inansyo ni Kuya Wil ang hindi niya pagtakbo sa Halalan 2022. Nabanggit din niya na inanyayahan siya ni Pres. rodrigo Duterte na tumakbo bilang Senador. Mayroon na rin siyang nakahandang Certificate of Candidacy (COC) ngunit hindi niya ito ipinasa at nagdesisyong hindi na lang tumakbo.
Ayon kay Kuya Wil, kung ang dahilan niya sa pagtakbo ay tumulong sa mga tao ay hindi na niya kailangan pang tumakbo dahil nakakatulong naman umano siya sa kanyang sariling paraan.
Sinabi rin niya na hindi siya kuwalipikado bilang Senador dahil kailangan doon ay marunong magbasa ng batas at marunong gumawa ng mga batas.
"Hindi ko po kailangan kumandidato. Hindi ko po kailangang manalo. Ang kailangan ko ay makasama kayo sa puso ko at isip ko, dapat laging ang mga Pilipino, kayo ang pånalo."
"Pag tinanong ako, "Bakit ka tatakbo, Willie?" "Gusto kong gumawa ng kabutihan." 'Yun lang. O, kabutihan lang ba ang dapat mong gawin 'pag nasa Senado ka? Dapat marunong kang magbasa ng batas. Dapat marunong kang gumawa ng batas, 'di ba?"
Umani ito ng papuri mula sa mga netizens lalo na nang banggitin nito ang mga suliranin ng bansa na dapat ay inuuna ng mga nakaupo sa puwesto at hindi ang mga pagtatålo nila na dapat ay may pagkakaisa.

No comments