15-Anyos na Anak, Gumuhit ng Bouquet Flowers Para sa Kaarawan ng Kanyang Ina!




Sa mga simpleng regalo at effort ay napapasaya tayo lalo na kung galing ito sa ating mahal sa buhay. Isang ina ang halos maiyak sa tuwa nang mabigyan siya ng pangarap ng bouquet flower subalit imbis na totong bulaklak ay iginuhit ito ng kanyang anak. Mabilis na nag-viral sa social media ang larawang ito ay ibinahagi rin ito ng ABS-CBN News nitong Oktubre 30.




Ika-37 kaarawan ni Mary Jane noon nang regaluhan siya ng kanyang 15-anyos na anak na si Airiz Alcaraz, Grade 10 student mula San Luis, Batangas.

Bukod pa sa drawing na bouquet flowers ay gumuwa din si Airiz ng improvised birthday banner upang maparamdam sa kanyang ina ang espesyal na araw na iyon. Masayang masaya si Mary Jane sa natanggap niyang regalo at effort mula sa kanyang anak.




Kapos man sila sa budget, ay hindi naman pinalampas ni Airis na pasayahin ang kanyang ina sa pamamagitan ng pag-effort sa pagguhit at paggawa ng malikhaing bouquet flowers at birthday banner.



No comments