83-Anyos na Ina, Tuloy Pa Rin sa Paghahanap Buhay Para sa Kanyang Anak!




Marahil lahat naman ng ina ay walang ibang hiling kung hindi ang mapabuti ang kalagayan ng anak. Katulad na lamang na 83-anyos na ina na patuloy pa rin sa paghahanap buhay para sa kanyang anak na may kapansånan. Ang ulirang ina na ito ay kinilalang si Nanay Jacinta "Sinta" Balagtas na matiyagang naglalako ng kanyang mga panindang gulay.




Hindi nakakakita ang kanyang anak na si Kristana kaya kahit may edad na ay pinipilit pa ring kumayod ni Nanay Sinta para maibigay ang mga pangangailangan ng anak.

Mahina na ang katawan ni Nanay Sinta ngunit gayunpaman ay pinipilit niyang maging malakas para kumita ng pera para sa anak. Araw-araw ay tinutulak ni Nanay Sinta ang mabigat na kariton na may lamang mga gulay at idinadaan sa masikip at lubak-lubak na mga eskinita sa Navotas.





200 hanggang 300 pesos ang kinikita ni Nanay Sinta sa paglalako ng mga gulay kada araw. Ang perang kinikita ay ipinangbibili niya ng pagkain nila ng kanyang anak. Bukod kay Kristana ay mayroon pa umanong anak si Nanay Sinta ngunit may kanya-kanya na umano itong pamilya kaya nahihiya na siyang humingi pa ng tulong sa mga ito.




May karamdamång iniinda rin si Nanay Sinta ngunit hindi na niya ito masyadong inaalala at umiinom na lamang siya ng gam0t sa tuwing sumusumpong ang kanyang hypertensi0n.

Nakakalungk0t isipin na may mga katulad ni Nanay Sinta na sa kabila ng edad ay kinakailangan pa ring kumayod para may kitain at matugunan ang pangangailangan sa araw-araw.

No comments