Bata, Pinagsasabay Ang Pag-Aaral at Pagtitïnda ng Sampaguita!
Marami sa mga kabataan ngayon ang hindi nakakapag-aral dahil na rin sa hiråp ng buhay. May ilan na kahit bata pa ay pinagsasabay na ang pag-aaral at paghahanap-buhay katulad na lamang ng batang ito na hatinggabi na ay nasa lansangan pa rin dahil inuubos ang panindang sampaguita. makikita sa larawan na nakauniporme pa ang bata at may hawak na libro habang nakaupo sa gilid na dinadaanan ng mga tao.
Ang ilang larawan na ito ay kuha ni Kenneth Panlilio, isang photographer, sa kahabaan ng footbridge sa lungsod ng Maynila. Ang batang nasa larawan ay kinilalang si Melvin Mendoza, 9-anyos na nag-aaral sa San Antonio Elementary School.
Ayon sa ulat, kinailangan umanong kumayod ni Melvin at ng kanyang Kuya dahil nasa bilångguan ang kanyang ama habang ang kanilang ina ay gumagawa din ng paraan upang kumita.
Araw-araw bumibyahe patungong North Edsa mula Munoz si Melvin upang magtinda ng Sampaguita. Kung minsan ay walang bumibili sa kanya at swerte naman kung may dadaan at hihinto para bumili sa kanya ng Sampaguita.
Sa mga oras na iyon ay hindi pa umano naghahapunan si Melvin dahil hinihintay pa niyang maubos ang mga paninda. Sadyang napakahiråp ng pinagdadaanan ng marami sa atin katulad na lamang ni Melvin na sa murång edad ay kinakailangan na niyang maghanapbuhay para sa pamilya at para mapag-aral ang sarili.

No comments