Watch! Pulis at Ilang Traffic Enforcers, Tinulungang Manganak ang Isang Ina sa Zamboanga City!




May mga bagay na hindi natin inaasahang mangyari katulad na lamang ng panganganak ng isang ina na tinulungan ng pulis at ilang traffic enforcers sa Zamboanga City. Sa post na ibinahagi ng Ala Eh Lipa, ay ipinakita kung paano tinulungan ng pulis at ng ilang traffic enforcers ang isang ina na nakasakay sa mobile.




Papunta na si PSSgt Freddie Boy M. Erra sa Police Station kung saan siya nagtatrabaho nang mapansin niya na may nagkakagulo sa Nunez Extension Road. Ito ay naganap nitong Nobyembre 11 ng umaga.

Nang lapitan niya ito ay nakita niya ang ilang traffic enforcers na tinutulungan ang isang buntis na babae na tila manganganĂ¥k na. Kaagad naman niya itong nilapiytan upang tumulong din. Hindi na napigilan ng ina na manganak at dahil dito, ay hindi na siya nakaabot sa ospital.




Sa kabutihang palad, ay ligtas na ang mag-ina. Umabot na sa 253k views ang naturang video. Panoorin ang kabuuang video:



No comments