Anak, Nagbigay ng Maagang Pamasko sa Kanyang Mga Magulang!



Wala ng mas sasaya pa sa pakiramdam ng isang magulang na mapagtapos ang kanyang anak sa pag-aaral. Ang sakrispisy0 ng magulang ay nararapat na tumbasan ng anak sa pamamagitan ng pagiging mabuting anak at pagsusumikap sa pag-aaral. Kung ano man ang achievement ng anak ay achievement na rin ng mga magulang.




Pinatunayan ito ng isang anak na nagngangalang Jefferson matapos niyang ibahagi ang video kung saan mapapanood ang reaksyon ng kanyang mga magulang nang rigaluhan niya ang mga ito ng photoframe ng kanyang pagtatapos.

Ang video ay inupload niya sa social media na umani ng magagandang komento. Makikita na sobra ang pag-iyak ng kanyang mga magulang dahil sa labis na kasiyahan.




Si Jefferson ay nakapagtapos ng Public Administration. Mapapansin na payak ang buhay nila Jefferson. Hindi naging hadlang kay Jefferson ang pag-aaral kahit pa hirĂ¥p din sila sa buhay dahil inaalay niya ang kanyang pagtatapos ng pag-aaral sa kanyang mga magulang.




Payo niya sa mga kabataan tulad niya ay huwag sumuko at bumitaw sa pangarap kahit pa kapos sa budget. Dahil sa huli, lahat ng sakripisy0 ay may katumbas na magandang dulot hindi lamang para sa atin kung hindi maging sa ating mga magulang. Isang napakalaking regalo na para sa mga magulang na makatapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak.

No comments