Isang Basurera Noon, Matagumpay na Negosyante na Ngayon!




Nagsilbing inspirasyon ang babae na noon ay nangangalakal ng basura at naging isang matagumpay na negosyante na ngayon. Nagpapatakbo na si Joy Binuya ng kanyang sariling kompanya sa edad na 30-anyos. Si Joy ay isang distributor ng beauty products at mayroon siyang labing-apat na staffs at kabilang dito ang kanyang mga kapatid.




Pinahahalagahan ni Joy ang bawat sentimo dahil lahat ng mayroon siya ngayon ay pinaghiråpan at pinagpagurån niya. Aniya, isinasantabi muna niya ang mga luho at inuuna ang mga pangangailangan.

Dahil dito, nakapagpundar siya ng isang condominium unit at ginawa niyang 2-storey para ang itaas na parte ay ang magiging tahanan nila habang ang ibaba naman ay ang opisina ng kanyang negosyo.

Panglima sa anim na magkakapatid si Joy. Siya ay lumaki sa Payatas, Quezon City kung saan ang tanging ikinabubuhay nila ng kanyang pamilya ay ang pangangalakal. Lalo pa noong naghiråp ang kanilang sitwasyon nang bawian ng buhay ang kanilang ama na kahit 5-anyos pa lamang siya noon ay kinailangan na niyang magtrabaho.




"I was 5 years old when my father di3d from h3art att4ck… Wala kahit pisong naiwan sa amin. Yung nanay ko naman, walang trabaho that time and buntis pa sa bunso namin."

Pinasok ni Joy ang iba't ibang klase ng trabaho. naging maswerte naman ang kapalaran ni Joy nang siya ay makakuha ng scholar noong siya ay highschool at nagtiis siya noon sa limang pisong baon kada araw.

Kuwento pa niya na nagtatago siya noon sa tuwing oras ng recess dahil wala umano siyang makain. Iniipon niya kasi ang perang binabaon niya para makabili ng libro sa Math dahil iyon ang pinakamahalagang libro para sa kanya.




"After high school, habang bakasyon pa at wala pa mahanap na trabaho, pumasok akong tindera sa mga tiyangge."

Naging tindera din si Joy at doon siya dumidiskarte. dahil P100 lamang ang kinikita niya sa isang araw ay pinapatungan niya ng P20 ang kanyang mga nabebenta. Tatlong buwan ang nakalipas ay sinubukan naman niyang mag-apply sa SM at nakapasok naman siya. Ngunit hindi pa rin sapat ang kinikita ni Joy at taong 2008 nang simulan niya ang 'drop-shipping' ng beauty products.

"Kumbaga, nagbebenta lang ako para doon sa iba, pero parang ako yung parang middle man nila. Reseller ka, pero wala kang onhand [money]. Taga-post ka lang, pero tumatanggap ka ng payment, ganoon. Doon ako nakaipon."




"I bought phone, 'tapos napansin ko yung opportunity ng social media kasi sobrang daming nag-o-order online. So I tried maging reseller. Wala akong puhunan except may cp [cellphone], load for internet, and sipag," kwento pa niya.

Dahil naging malakas ang bentahan online ay madaling nakaipon si Joy. Saad ni joy, hindi umano madali ang mga pinagdaanan niya bago makamit ang tinatamasa niyang ginhawa ngayon.

Taong 2015 naman nang naisipan niyang bumalik sa pag-aaral dahil sa kagustuhang ipagpatuloy ang naudlot na pag-aaral sa kolehiyo. Habang nagtatrabaho ay isinabay rin niya ang pag-aaral sa National College of Business and Arts sa Fairview, Quezon City. Kumuha siya ng Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management.

No comments