Isang Pamilya Kabilang ang 89-anyos na Lola, Natagpuang Nakasabit sa Puno sa Gitna ng Mataas na Baha!




Marami sa ating mga kababayan ang nasalantå ng Bagyong Odette nitong mga nagdaang araw. Kabilang na ang isang pamilya na natagpuang nakakapit sa isang puno sa Negros Occidental. Kasama rin sa mga nakakapit sa puno ang 89-anyos na Lola na kinilalang si Lola Lilia na muntik na umanong sumuko ng mga oras na iyon.




Mabilis umanong tumaas ang tubig noon, ani ni Richie na isa sa mga kasama ni Lola Lilia. Sinubukan umano nilang lumipat sa mas mataas na lugar.

"'Yung pagod at takot mo talagang nagsama-sama. Parang nawawalan na rin ako ng pag-asa. Akala ko nga 'yun na 'yung katapusan namin, e. 'Yung ginawa na lang namin is pray talaga," ani ni Richie.

"Sabi namin, huwag kayong bibitaw kasi mag-aantay tayo ng rescue," ani ng rescuer na nakakita sa pamilyang nakasabit sa puno.




Muntik na rin umanong sumuko si Lola Lilia at sinabi niyang matutulog na siya ngunit hindi siya pinasuko dahil maililigtas rin sila ng Diyos.

"Sabi ko matulog na ako, sa tubig. Iyak nang iyak nga sila. Nagdilim na hindi ko na sila makita. Sigaw sila nang sigaw, palakas ka! Nay! Sa awa ng Diyos maligtas tayo."

"Naiyak ako, sabi ko, salamat na lang sa Diyos walang nawala sa aming pamilya. Kahit na mawala ang bahay at gamit namin, basta kami, buo pa."

1 comment: