Kilalanin si Berta: Ang Nag-viral na Palaboy Noon, Isang Admin Staff na Ngayon!




Masyado ng maraming hindi magagandang balita ang lumalabas sa telebisyon. Maging sa internet ay kaliwa't kanan na ang masasåmang nangyayari sa bansa katulad ng pagtaas ng bilang na nagkakaroon ng C0VID 19, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang hindi matapos-tapos na krimën, at marami pang iba. Isang 'Good News' naman ang naitampok sa GMA News nitong Nobyembre 29 at tiyak ay marami sa inyo ang maiinspire.




Ang larawang makikïta ay si Berta na dating palaboy at nagkaroon ng pagkakataon na maging maayos ang kanyang buhay nang tulungan siya ng dalawang blogger na nakakita sa kanya. Isang taon na ang nakakalipas nang i-rescue si Berta ng dalawang blogger na nagmalakït na tulungan siyang mag bagong buhay.

Ang tunay na pangalan ni Berta ay Emmanuel Llenos na dalawangpung taon na naging palaboy. Bago pa man maging palaboy si Berta ay dati siyang volleyball player, katekista at guro.




Matatandaan na nag-viral si Berta dahil sa pag-eenglish nito at dahil sa mga hugot-lines na kanyang binibitawan. Marami ang nagsabi na nabigo umano si Berta sa pag-ibig kaya nawala siya sa katinuån.

Kasalukuyang nagtatrabaho bilang admin staff si Berta sa SafeHaven Addïction Treatment and Recovery Village. Sa SafeHaven din naging "clean at sober" si Berta. Sa kanyang pinagtatrabahuhan ay binibisita rin siya ng kanyang mga pamilya at kaanak.



No comments