Lolo, Nanglibre sa mga Customers sa Isang Fast Food Chain Dahil Birthday Umano Niya!




Tayong mga Pilipino ay labis na pinapahalagahan ang mga okasyon lalo na ang birthday. Ang birthday ng isang tao ay napakaespesyal dahil araw ito ng kanilang kapanganakan. Taon-taon ay nagbabago ang edad at kasabay ng ating paglaki ay marami tayong natututunan. Katulad na lamang ng mgagandang kaugalian, gaya ng pagbibigay ng kung anong meron tayo sa ating kapwa.




Isang Lolo sa ang nagviral matapos manglibre sa mga customers sa Jollibee Puan. Ayon sa netizen na si Al Aquino Oliva, tinanong umano siya ni Tatay kung ano ang kanyang order at siya na mismo ang magbabayad. Ngunit tumanggi si Oliva at sinabing siya na lang ang magbabayad.

"Sige, birthday ko pa naman ngayon," ani ni Tatay at umalis. Nang magbabayad na si Oliva ay nagulat na lamang siya nang lumapit sa kanya si Tatay at saka binayaran ang mga inorder ni Oliva.




Wala na rin siyang nagawa kung hindi magpasalamat sa ginawa ni Tatay. Bukod kay Oliva ay may iba pang customers na nilibre si tatay. Narito ang kanyang post:

"So ayon while umoorder ako sa Jollibee Puan itong c tatay naka pula tinanong ako ano raw order ko kasi sya na raw magbabayad sbi ko wag na po tay ako na po, he insisted pero kako wag na, so ayon sabi nya cge bday ko pa naman ngaun sabay alis, then nung magbabayad nako bglang lumapit c tatay sabay bayad sa cashier, at ako naman napa thank you nlng kay tatay. Hindi lang ako ang nilibre pati yng mga kasabayan kong pumila at umorder nilibre din nya. Happy bday tatay salamat po and God bless you ."


No comments