Tatay na Na-Str0ke, Patuloy Pa Rin sa Paglalako ng Isda kahit Hiråp na sa Paglalakad!



Pilit na kinakaya ni Tatay Roberto ang kanyang paghahanapbuhay bilang isang vendor ng isda. Bitbit ang dalawang timba ng isda, ay matiyagang naglalako si Tatay Roberto sa mga bahay-bahay at nagbabakasakaling may bumili sa kanya. Si tatay Roberto ay hiråp sa paglakad at mabagal ng kumilos dahil siya ay na-str0ke.




Sa post na ibinahagi ni Carl Henry Roldan nitong Nobyembre 2 ay ibinahagi niya ang kalagayan at kung paano lumalabån si Tatay Roberto sa hamon ng buhay. Hiling ni Carl sa mga makakakilala kay Tatay Roberto ay bumili sa kanya dahil malaking tulong na ito para kay tatay Robero.

"Mga kaibigan, kakilala na taga f.homes 1. Baka makita nyo c tatay. Bili nman kayo ng isda nya kht magkano lang. Maliit n bagay pero malaking tulong s knya. Salamat!"





Si Tatay Roberto ay mula sa Barangay Gumaoc, San Jose del Monte sa Bulacan. Kahit na iika-ika na si Tatay Roberto ay sinisikap niyang magtinda ng isda para makatulong sa kanyang pamilya.



Marahil ay binabawalan siya ng kanyang pamilya ngunit dahil sa kagustuhan niyang makatulong sa kanyang pamilya at hindi maging pabigåt ay pinili na lamang niya na kumayod at mag hanapbuhay. Kaya kung makita ninyo man si Tatay Roberto, ay sana bumili kayo sa kanya dahil napakalaking tulong na nito para kay tatay Roberto.


No comments