Watch! Angeline Quinto, 5 Month na Umanong Buntis Ayon kay Ogie Diaz!



Si Angeline Ticman Quinto o mas kilala sa palayaw na Angge (ipinanganak noong Nobyembre 26, 1989) ay isang mang-aawit, artista, at nagwagi ng Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar noong 2011. Siya ay kasalukuyang pinamamahalaan ng Star Magic at KreativDen. Siya ay dating pinamamahalaan ng Cornerstone Entertainment mula 2014–2020.




Si Angeline ay isa sa mga miyembro ng Filipino girl group na DIVAS kasama sina KZ Tandingan, Yeng Constantino at Kyla. Isa pa, bahagi siya ng ASAP's singing quartet Birit Queens kasama sina Jona, Morissette, at Klarisse de Guzman. Tinatawag din siyang Philippines' Power Diva.

Naging bali-balita ang diumanong pagbubuntis ni Angge sa kanyang non-show boyfriend ito ay matapos na ikumpirma ni Ogie Diaz sa kanyang Youtube channel na Ogie Diaz Showbiz Update.





Ayon kay Ogie, limang buwan na umano ang ipinagbubutis ni Angge na taliwas sa sinabi ni Cristy Fermin na tatlo hanggang apat na buwan. Ito raw ay nakalap niya sa isang malapit na tao kay Angge. Ayon pa kay Ogie, ang kasarian umano ng ipinagbubuntis ni Angge ay lalaki.



Matatandaan noong Oktubre 2021 nang aminin ni Angge sa Media Conference para sa kanyang 10Q concert na mayroong nagpapasaya sa kanya. “Meron po talaga at isa yan sa nagpapasaya sa akin. Walang kasing saya, napakasaya po talaga,”


No comments