Wynwyn Marquez, Kumpirmadong Buntis!



Si Teresita Ssen Lacsamana Marquez o mas kilala bilang Winwyn Marquez ay isang Pilipinong artista, modelo, mananayaw at beauty queen na kinoronahan ng first Reina Hispanoamericana Filipinas sa Miss World Philippines 2017 pageant at kalaunan ay nanalo sa Reina. Hispanoamericana 2017 sa Santa Cruz, Bolivia noong Nobyembre 4, 2017.




Siya ay ipinanganak noong Mayo 4, 1992. Ang kanyang mga magulang ay sina Alma Moreno at Joey AMrquez na kapwa artista rin tulad ni Wynwyn. Si Marquez ay tagapagtaguyod ng edukasyon at mayroong Community Engagement Program na napupunta sa iba't ibang mission areas at pampublikong paaralan at bahagi ng GMA Network.

Masayang ibinahagi ng aktres ang kanyang pagdadalang tao sa kanyang non-shobiz boyfriend.





Ayon kay Wynwyn, isa itong maagang pamasko para sa kanila ng kanyang partner at maging sa kanilang mga magulang.

"It's such a good Christmas gift for me and my partner, for my family, for my parents. Im so excited. We are so excited to meet our little bundle of joy soon."




Anim na buwan na umanong nagdadalang tao si Wynwyn na kinumpirma niya sa isang interview sa MMFF. Naging emosyonal naman sina Joey at Alma sa magandang balita na ito.

No comments