74-Anyos na Lolo, Nabiktima ng Pekeng Pera!



Nakakalungk0t isipin na may mga taong gumagawa ng hindi magÄnda sa kanilang kapwa. Marami sa panahon ngayon ang nagdodoble kayod upang may maipangtustos sa pang araw-araw na gastusin ng pamilya. Ngunit, marami din ang nanggugulang o nanglalamang sa kanilang kapwa katulad na lamang ng isang mamimili sa Santo Domingo, Ilocos Sur.




Ayon sa ulat, nabiktima ang 74-anyos na Lolo ng isang mamimili na nagbayad ng pekeng pera na nagkakahalaga ng P1,000. Sa liit ng kinikita ni Lolo sa kanyang pagtitĂŻnda ay hindi niya naiwasang maiyak na lamang nang malamang pekeng pera ang kanyang natanggap.

Isang babae umano ang bumili ng seedling sa kanya na nagkakahalaga ng P40 at nagbayad umano ito sa kanya ng P1,000. Dahil dito, sinuklian ni Lolo Pedro Salarzon ang babae dahil hindi niya alam na peke ang perang ibinayad sa kanya.




Nalaman na lamang ni Lolo Pedro na peke ang pera nang magpapalitan siya sa isang tindahan. Nang makausap ni Lolo Pedro ang pulis na si Police Staff Sergeant Maximo Ramos, ay pinalitan ang pekeng pera ng tunay na labis namang ikinatuwa ng matanda.


No comments