80-Anyos na Lolo, Inarësto Dahil Umano sa Pagnånakaw ng Mangga!



Inarest0 ang 80-anyos na Lolo sa bayan ng Asingan, Pangasinan dahil umano sa pagnånakåw ng mangga mula sa puno sa kanilang lugar. Ayon sa Asingan Public Information Office, inarest0 umano si Lolo sa bisa ng warrant sa Barangay Bantog nitong Enero 13, Huwebes. Nailabas umano ang warrant para kay Lolo noong Desyembre 20, 2021 ng 7th Municipal Circuit Trial Courts Asingan-San Manuel.




Ngunit, sa naing panayam ng Asingan PIO kay Lolo ay iginiit nitong pumitas siya sa puno na itinanim naman niya pero bakuran umano ng nagrereklam0.

"Impaburas ko maysa poon ti mangga. Awan pay 10 kilos, ti ammok sakop mi. Idi inaladan dan sinakop da met, mula mi met dadiay, idi nangalad da sinakop da," paiwanang ni Lolo.

("Pinapitas ko yung isang puno ng mangga wala pang sampung kilo, ang alam ko sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman yun.")





"Ti kayat ko kuma ke areglo kuman, dadiay met batet met nga banag. Idi ited ko iti bayad na di na kayat nga awaten, ti imbaga na bayadak kano ti sais mil," dagdag pa nito.

("Ang gusto ko sana makipagsundo, maliit lang naman kasi na bagay, noong ibibigay ko yung bayad ayaw nilang tanggapin, ang sabi nila bayaran ko ng anim na libo.")

Nananatili sa Asingan Municipal Police Station si Lolo habang hindi pa nakakapagpiyansa sa halagang P6,000 na itinakda ng korte.


No comments