Basurera Noon, Business Woman ng Ngayon!



Marami ang na-inspire sa babaeng nangangalakl ng basura noon at isa nang matagumpay na negosyante na ngayon. Hindi naging madali ang naging buhay ni Joy Binuya, ngunit hindi naging hadlang sa kanya ang mga pagsub0k upang matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay. Sa edad na 30-anyos ay naging matagumpay sa buhay si Joy.




Dati siyang nangangalakal ng basura sa Payatas, Quezon City at doon din siya naninirahan noon. Panglima sa magkakapatid si Joy at nagmula siya sa mahiråp na pamilya. Lalo pang naghiråp ang kanilang buhay nang bawiån ng buhay ang kanyang ama noong siya ay limang taong gulang pa lamang.

Lahat ng kayang trabaho ni Joy ay pinasok niya. Lubos din siyang naghigpit sa pera para makaipon sa kanyang pag-aaral.





Pahinto-hinto rin siya noon sa kanyang pag-aaral dahil kinakailangan niyang magtrabaho upang kumita ng pera.

Hanggang sa tinuloy-tuloy niya ang paghahanapbuhay at napagdesisyunan niyang ipagpatuloy ang pag-aaral. Nakapagtapos si Joy sa kolehiyo sa kanyang sariling pagsusumikap.


Sa ngayon ay mayroon siyang negosyo kung saan nagtitïnda siya ng mga beauty products. Nakapagpagawa rin siya ng bahay at ngayon ay mas maginhawa na ang kanyang buhay.

No comments