Iya Villania, Nagdadalang-Tao sa Pang-Apat Nilang Anak ni Drew Arellano!



Si Andrew James Estrella Arellano o mas kilala bilang Drew Arellano ay ipinanganak noong Enero 16, 1980. Siya ay isang Pilipinong artista at host. Isa siya sa mga traveling hosts ng daily morning show na Unang Hirit at host ng informative/educational show na AHA! sa GMA Network. Siya rin ang host noon ng na Balikbayan, at Biyahe ni Drew sa QTV.




Habang si Raelene Elaine Ebaler Villania o mas kilala bilang Iya Villania-Arellano ay ipinanganak noong Hunyo 29, 1986. Siya ay isang Filipino-Australian na nagtatanghal sa telebisyon, aktres, at host. Kilala siya sa kanyang trabaho bilang VJ sa music channel na MYX.

Kapwang nagtatrabaho sina Iya at Drew sa GMA Network at sila ay kasal na. Sa katunayan, mayroon na silang tatlong anak, ang isa ay babae habang ang dalawa naman ay lalaki.




Sa isang episode ng Mars pa More ay inansunsyo na ni Iya na siya ay nagdadalang-tao sa pang-apat nilang anak ni Drew. Binati naman sila ng kanilang Ninong na si Kim Atienza sa isang instagram post.




"CONGRATS to my inaanaks Iya and Drew on baby no 4!" ani ni Kuya Kim kina Iya at Drew. "You two are blessed!" dagdag pa niya.

No comments