Sånggol, Iniwan ng Ina sa Tabi ng Kulungan ng Manok at Nag-iwan Ng Liham!



Viral ngayon ang tatlong buwang gulang na sanggol na ito na natagpuang inaband0na kasama ang isang liham mula sa kanyang ina, na humiling na "buhayin" ang kanyang anak na babae. Natagpuan ang sanggol sa bayan ni Enrique Villanueva sa Siquijor noong Martes ng umaga ayon kay Meralyn Sagayno Vega, na nag-post ng mga larawan sa Facebook.




"Tinapon sa likod ng aming bahay ngayong 3:59 am," ani ni Meralyn.

Sinabi ni Meralyn na buhay ang sanggol at iniwan sa loob ng isang karton. Nakakita rin siya ng liham na liham na iniwan ng kanyang ima na nagsasabing hindi na niya kaya pang alagaan ang kanyang anak kaya minabuti na lamang niya na iwanan ito.

Sa liham na natagpuan kasama ang sanggol, ang ina ay desperado at inamin na hindi niya kayang alagaan ang sanggol, bukod sa marami pang ibang dahilan, ay iniwan sila ng ama ng bata bago siya isilang.





"Maam/Sir. Patulong po na mabuhay ang anak ko. Aking hiling na makitang mabinyagan siya habang buhay pa ako dito sa mundo. Hindi po ako taga rito. Dinala lang po ako ng naka-buntis sa akin, pero nong nag walong buwan na ang tiyan ko, iniwan niya ako. Sinasaktan rin niya ako. Hindi pa nga ako nakakabayad sa aking panganganak. Umaasa akong marehistro ang anak ko at ma-immunize. Tatlong araw na hindi ako kumakain, umiinom na lang ako ng tubig," liham ng ina.

Habang nagsusumamo siya na may tumulong sa kanyang anak na si Kathleen, na ipinanganak noong Nobyembre 3, 2021, humingi ang ina ng tawad sa kanyang anak.




"Patawarin mo ako baby. Gusto ko lang na mabuhay ka. Pagod na pagod na ang katawan ko at hindi ko na kaya. Ang pangalan po ng anak ko ay Kathleen. Ipinanganak ko siya noong Nobyembre 3, 2021 sa alas 3:30. Maraming salamat," dagdag pa niya.

Matapos matuklasan, ang sanggol ay dinala sa isang lokal na sentro sa bayan ng Talingting sa Siquijor at sinabing nasa mabuting kalusugan, ayon sa mga opisyal.

"May mga taong nagbigay ng gatas, lampin, at damit," sabi ni Neerol, isa sa mga opisyal sa Talingting Center. "Dami nag line up pero hinahanap pa muna ang mama niya."

Nag-viral sa social media ang larawan ng bata at ang liham nang makatanggap ng simpatiya si Kathleen mula sa mga Pinoy online.

No comments