Vlogger, Binigyan ng Hanapbuhay at Abogado si Lolo Narding!



Mabilis na kumalat sa social media ang isang lolo na ipinakul0ng dahil sa pagnanåkaw umano ng 10 kilong mangga na siya raw mismo ang nagtanim. Ayon kay Lolo Narding, pinakiusapan umano niya ang kapitbahay na babayaran na lamang niya ang pinitas na mangga ngunit P6,000 umano ang hinihingi ng may-ari sa kanya.




Kaliwa't kanan naman ang nais na tumulong kay Lolo Narding at isa na rito ang vlogger na si Shiwen Lim TV na siya mismo ang kumontak sa abogado na tulungang makalabas si Lolo Narding.

"We made it! Tulad ng ipinangako natin, napuntahan na natin si LOLO NARDING FLORO, wag na po kayo mag-alala. Binigyan na natin s’ya ng pampiyansa at good news makakalabas na po siya today! Salamat sa kaibigan natin na si Atty. JAMES FERNANDEZ (from PAO URDANETA PANGASINAN) salamat po maaga pa lang naka-standby na kami kanina sa prisinto para masiguro ang paglaya ni Tatay ngayong araw."





"Na meet at nakausap din po natin mga kamag-anak ni Lolo Narding at inabutan ng tulong para sa kanila at kay Lolo. Bago kami umuwi, nilatag ko sa kanila ang plano ko kay Lolo at nangakong babalik para mabigyan ng pangkabuhayan si Lolo."




"Salamat sa lahat ng tumulong at nag-pray para kay Lolo Narding, patunay lang ito na mahal tayo ng Panginoon at kailanman di Niya tayo pababayaan. Salamat din sa mga tiwalang ibinigay n’yo sa amin lalo na sa akin. Salamat kasi binigyan n’yo na naman kami ng pagkakataon na pagsilbihan ang Panginoon. To God be all the Glory! #missionaccomplished #savelolonarding"

No comments