6-Anyos na Bata sa Leyte, Kulay Asul Ang Mga Mata!



Kadalasan, ang mga kulay ng ating mga mata ay itim. Kung minsan naman ay may kulay kayumanggi. Kaya naman, nakakamangha ang mga mata ng isang bata sa Leyte. Viral ngayon ang ilang larawan ng 6-anyos na babae na kinilalang si "Kulot". Ito ay matapos ibahagi ng GMA News sa kanilang facebook page ngayong Pebrero 19, Sabado.



Ayon sa kuwento ng volunteer na si Nico Antipala, naagaw ang kanyang pansin ng kakaibang kulay ng mata ni "Kulot". Nakilala ni Nico ang bata noong namahagi ng relief goods ang kanyang grupo para sa mga nasålanta ng nagdaang bagyo sa Hinundayan, Southern Leyte.

Ayon naman sa Philippine Society of Pediatric Ophthalmology And Strabismus, ang tawag sa kondisyon ni "Kulot" ay Waardenburg syndrome.





Isa umano itong genetic disëase na namamana at isa sa bawat 4,000 katao ay may ganitong kondisyon.

Mayroon namang mga espesyalista sa Tacloban City na nag-alok ng libreng konsultasyon para kay "Kulot". Nangangalap din ng iba pang pang-gastos ang grupo nila Nico para makatulong kay "Kulot".


Narito ang kabuuang post ng GMA News:


No comments