73-Anyos na Lolo, Natanggap sa Trabaho Bilang Call Center Agent!



Isang 73-anyos ang natanggap sa kanyang inapplyang trabaho bilang isang call center agent. Si Tatay Rotello Escanilla ay kabilang sa mga nag-apply sa ginawang job fair ng Business Process Outsourcing o BPO company at local government nitong nagdaang Enero 29. Dati umanong salesman si Tatay Rotello at nahinto siya noong taong 2008.




Ngunit, napag-isipan niyang bumalik sa trabaho at upang mahupa ang kanyang kalungkutån sa pagpånaw ng kanyang misis noong 2016. "I go into this venture as a diversion lang para mawala 'yung isip ko, 'yung utak ko from, you know, the loneliness," ani ni Tatay Rotello.

Ayaw umano ni Tatay Rotello na humingi ng pera sa kanyang mga anak. Kasalukuyang naninirahan si Tatay Rotello kasama ang kanyang mga anak at pitong apo.




Nang magtungo si Tatay Rotello sa job fair ay napansin agad siya ng IT officer na si Rodge Tanacao. Inakala ni Rodge na hindi si Tatay Rotello at may sinamahan lamang ito na apo. Ngunit, napag-alaman niya na mismong si Tatay Rotello pala talaga ang mag-aapply.

"I thought at first na he was just trying to accompany his grandchildren and then later we found out na siya pala mismo 'yung nag-a-apply."




May BPO experience si Tatay Rotello at may sapat na kaalaman kaya natanggap din siya noong araw ng kanyang application.

Katulad ng iba pang mga nag-apply ay dumaan din si Tatay Rotello sa mga proseso at walang especial treatment na naganap.

1 comment:

  1. Ganyan dapat sa pinas tinatanggap ang matanda at pwd mag trabaho kung kaya nmn nila wag ibase sa edad oh itsura.

    ReplyDelete