Apo Whang-Od, Nagdiwang ng Kanyang Ika-105 Kaarawan!
Si Apo Whang-Od o kilala rin bilang Maria Onggay ay isang tattoo artist mula Buscalan, Tinglayan, Kalinga. Siya ang tinaguriang pinaka matandang mambabatok o traditional tattoo artist sa bansa. Parte rin si Whang-od ng Butbut People na pinakamalaking Kalinga ethnic group. Nagsimula siya bilang mambabatok sa edad na 15-anyos.
Siya na rin ang kahuli-hulihang mambabatok kaya naman pinagpapatuloy pa rin niya ang tradisyonal na art para sa mga toristang nagtutungo sa kanilang lugar.
Nagdiwang kamakailan si Whang-od ng kanyang ika-105 kaarawan. Ipinanganak si Whang-od noong Pebrero 17, 1917.
Nitong Sabado lamang, Pebrero 19 nang masayang ipinagdiwang ng mga taga-Buscalan ang kanyang kaarawan.
Ayon kay Darry Bautista, turistang nakadalo sa pagdiriwang ng aarawan ni Whang-od, nagkåtay umano ng baboy ang pamilya ng mambabatok.
Bandang gabi naman ay nagkaroon sila ng kasiyahan. Itinuturing na world-renowned si Whang-od sa sining ng pagtatato.

No comments