Barbie Imperial at Diego Loyzaga, Hiwålay Na!



Si Carlos Diego Loyzaga ay isang aktor at model. Siya ay ipinanganak noong Mayo 21, 1995 sa San Juan, Metro Manila. Sina Teresa Loyzaga at Cesar Monatano ang kanyang mga magulang. Kilala siya bilang isa sa mga miyembro ng Kapamilya Cuties. Ang kanyang girlfriend ay ang aktres na si Barbie Imperial ngunit nababalita na sila ay diumano'y naghiwålay na.




Si Barbie Concina Imperial ay isa ring aktres at model. Siya ay ipinanganak naman noong Agosto 1, 1998. Nadiskobre siya noong sumali siya sa reality show na Pinoy Big Brother: 737.

Sa eksklusibong interview ng ABS-CBN News kay Barbie ay ibinahagi nitong wala na sila ni Diego. Ito ay matapos niyang ibahagi ang mga natutunan niya sa mga dating karelasyon.

Nang tanungin si barbie kung ano ba ang kanyang mga natutunan sa kanyang mga naging karelasyon ay ito ang kanyang isinagot:





"Baka kaya paulit-ulit nangyayari sakin to kasi hindi ko talaga minamahal yung sarili ko."

"All the same story each boyfriend, so for me parang, what if ibahin ko ngayon. Sarili ko naman yung mahalin ko."

Hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye si Barbie tungkol sa hiwålayan nila ni Diego.


Napansin ng mga netizens na tila hindi magkasama ang dalawa noong nagdaang holidays kaya naisip nila na naghiwalåy na ang dalawa ilang buwan lamang ang nakakaraan.

Habang si Diego naman ay nagtungo na ng ibang bansa para magbakasyon ngunit hindi kasama si Barbie. Una ng ibinalita ni Ogie Diaz na naghiwålay na ang dalawa.


No comments